Tuesday, August 19, 2014

H BEAT ~ Mensahe Ft. Joshua Flores (Produced by IZE)

  

Be Inspired.

Andi Lopez x Pmack ~ Buhay na Alamat (Official Music Video)

  

Great Vid. Awesome Track.

Salamat Sa Suporta

Sa araw na to, August 19, 2014, ako'y nagpapasalamat sa lahat ng tao sa paligid ko sa mga dahilang na-realize ko na ang dami ng mga biyaya na nahulog sa palad ko. Mula sa aking Reyna na hindi tumigil sa pagsuporta sakin sa kahit na anong desisyong gawin ko dahil sa tiwala niya na alam ko ang ginagawa ko at makikipagsabayan siya dun habang tinutuloy at inaabot din ang mga minimithi niya sa buhay at sa taos-pusong pagmamahal na binibigay niya sakin sa araw araw na nabubuhay kami ng magkasama, alam mong mahal kita ng sagad, hanggang sa mga kapatid ko na hindi ako iniwanan sa ere maging ano man ang tagumpay o pagbagsak ko na sitwasyon hanggang sa mga bago kong nakilala sa industriya na patuloy na gumagalaw at bumibitaw ng mga obrang ngayon pa lang ay masasabi kong klassiko na sa pandinig hanggang sa mga hindi ko masyadong kakilalang tao na patuloy na nagsasabi sakin na ipagpatuloy ko ang mahal kong gawin dahil alam nilang magtatagumpay ako dito -- #SALAMATSASUPORTA







Sa edad na bente otso, naintindihan ko na ang importansya ng tamang galaw at pera sa pang araw araw na pamumuhay. Nakapagisip na kami ng mga mababangis na paraan kung pano paramihin at paangatin ang ani namin sa taong to. Sabi nga ng ating mga sinaunang makata, "Ang pinakaimportanteng parte ng isang plano para umunlad ay ang paglatag ng epektibong PROSESO", at yun ang nabuo namin ni KryzHustle. Tamang proseso upang kumabig ng higit sa sapat kasabay ng pagakyat sa tugatog ng tagumpay.

Hinding hindi ko malilimutan ang mga naghandog sakin ng mala-pambatok na salita para makita ko ang ilaw ng buhay --

  • Respetadong Hudas -- Alam mong bitbit ko ang lahat ng mga sinabi at sasabihin pang mga salita sakin. Hindi ko maibabahagi sa isang liham ang saya nung nagkakilala tayo dahil parehas tayo ng takbo ng isip. Maraming Salamat at mga Isang Milyong Saludo sayo Alamat! 
  • DJ Worship -- Kapatid ko sa bituka na hindi mawawala sa isip ko kahit na saan pa ako mapapadpad at bise-bersa. Salamat sa hindi pagiwan sakin sa ere.  
  • Lahat ng mga kabaro ko at kasama sa eksena -- Napakadami niyo, napakalupet niyo gumalaw, ituloy natin to. Sabay sabay tayo magkita kita sa final stretch. 

Ang daming mga peke, iilan nalang ang TUNAY -- #SALAMATSASUPORTA



H BEAT


Ex Battalion ~ Away Bati

  

Sala sa init, sala sa lamig.