Sa edad na bente otso, naintindihan ko na ang importansya ng tamang galaw at pera sa pang araw araw na pamumuhay. Nakapagisip na kami ng mga mababangis na paraan kung pano paramihin at paangatin ang ani namin sa taong to. Sabi nga ng ating mga sinaunang makata, "Ang pinakaimportanteng parte ng isang plano para umunlad ay ang paglatag ng epektibong PROSESO", at yun ang nabuo namin ni KryzHustle. Tamang proseso upang kumabig ng higit sa sapat kasabay ng pagakyat sa tugatog ng tagumpay.
Hinding hindi ko malilimutan ang mga naghandog sakin ng mala-pambatok na salita para makita ko ang ilaw ng buhay --
- Respetadong Hudas -- Alam mong bitbit ko ang lahat ng mga sinabi at sasabihin pang mga salita sakin. Hindi ko maibabahagi sa isang liham ang saya nung nagkakilala tayo dahil parehas tayo ng takbo ng isip. Maraming Salamat at mga Isang Milyong Saludo sayo Alamat!
- DJ Worship -- Kapatid ko sa bituka na hindi mawawala sa isip ko kahit na saan pa ako mapapadpad at bise-bersa. Salamat sa hindi pagiwan sakin sa ere.
- Lahat ng mga kabaro ko at kasama sa eksena -- Napakadami niyo, napakalupet niyo gumalaw, ituloy natin to. Sabay sabay tayo magkita kita sa final stretch.
Ang daming mga peke, iilan nalang ang TUNAY -- #SALAMATSASUPORTA
H BEAT
No comments:
Post a Comment